Thursday, April 30, 2009
Pang babae
Isang gabi nag open ako ng facebook account ko. Nakita ko sa notifications ko na binisita ng pet ng friend ko yung pet ko sa facebook. hmmm nag isip. inopen sa new tab ang pet society.. o petsoc for short. nakipaglro muna ko sa pet ko ng dumaan sa likod ko si lourd de veyra ng radioactive sago project ata nagsabing: "Tang ina Loks... lalaki ka ba"? Hmmm napatingin ako sa pares ng mata sa likod ng makapal na salamin (no offense lourd hehe). Tama ba siya? Pang babae lang ba ang petsoc? Lalaki naman ang pet ko ah.. Pati kulay. Tsaka may pang lalake naman na damit para sa pets... Bakit ang mafia wars pang lalake pero hindi mu pwedeng sabihing hindi ito pang babae kasi marami kong kilalang babae na naglalaro nito. kelan mu ba masasabi na ang isang laro ay panglalaki o pang babae? Sa kulay ng graphics? Sa tema ng laro? Sa bidang character? O sa inticnt mo lang? Badtrip. Hindi ko na tuloy ma check yung pet ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment